Pages

Tuesday, February 22, 2011

Fil-Am Ana “The Hurricane” Julaton against veteran Francesca Alcanter

The much-awaited bout of Fil-Am Ana “The Hurricane” Julaton against veteran Francesca Alcanter in California on February 25 will air live on Aksyon TV.

Bongga ang pagbubukas ng bagong news and sports channel ng TV5 na AksyonTV UHF Channel 41 dahil isang bigating boxing championship bout ang eere dito ng live via satellite mula sa Craneway Pavilion, Point Richmond, California! No less than the much-awaited battle ng Fil-Am WBO Super-Bantamweight champion na si Ana Julaton laban sa astig na beteranang American boxer na si Franchesca Alcanter ang mapapanood ng libre at live na live ng mga Pinoy ngayong Sabado, Pebrero 26, mula 12:00nn hanggang 2:00pm!
Mukhang lalong magliliyab ang boxing fever sa bansa dahil katatapos lang ang two-round knockout win ng Pinoy na si Nonito Donaire Jr. laban sa Mexican na si Fernando Montiel noong Linggo, heto naman at ang Pinoy pride sa women boxing na si Ana Julaton naman ang sasabak para depensahan ang kaniyang championship belt. Hindi na kami magtataka kung mabawasan na naman ang traffic sa kalye at panandaliang huminto ang normal na buhay sa kalsada ngayong Sabado dahil tututok ang mga Pinoy sa Julaton-Alcanter boxing bout na ekslusibong eere sa TV5 at AksyonTV lamang.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...