Pages

Thursday, November 4, 2010

Janelle Jamer Releases International Album ‘Jel Believer’

Tahasang inilahad kamaikailan ng singer at Pilipinas Win Na Win (PWNW) co-host na si Janelle Jamer na siya’y masayang-masaya sa kasalukuyang noontime show, hindi lamang on-screen kung hindi maging sa likod ng camera. Inamin din niya na lubos siyang natutuwa sa malalim na friendship na namumuo sa pagitan ng patok na patok na Hitmakers at nilang mga female co-host.
“Nakakatuwa kasi sobrang nagbibigayan kami. Lahat pantay-pantay ang moment. All of us are given the chance to showcase our talents,” ani Janelle.
Hindi maipagkakailang malaki ang naging moment ni Janelle sa PWNW nang siya’y mabigyan ng pagkakataong mag-perform at i-promote ang kanyang international album na Jel Believer noong nakaraang Linggo. Tulad ng carrier single niya na Believer, lalo pang tumibay ang paniniwala ni Janelle na marami pa siyang kayang gawin upang mas ma-entertain ang kanyang mga tagahanga.
“I’m really thankful for the chance that Pilipinas Win na Win has given to show the other side of me. At yung kasama kong hosts, mararamdaman mong masaya sila para sa mga achievements mo. Na-touch talaga ako sa pag-congatrulate sakin nina Tito Rico J, Marco at Nonoy backstage. Siyempre mga Hitmakers ‘yun,” masayang pahayag ni Janelle.
Kinuwento din ng dalaga kung paano niyang maswerteng nasungkit ang pinapangarap na international RnB album. Lubos daw kasing humanga ang isang African-American producer sa talent ng Pinay.
“An American producer discovered me while I was jamming in a bar in Greenhills. He invited me to go to Atlanta. I stayed there for six months. Nag-training ako ng sexy hiphop and belly,” kwento ni Janelle.
Bagaman ayaw ikumpara ni Janelle ang PWNW sa nakaraang noontime show na kanyang kinabilangan, iginiit niyang ibang klaseng fulfillment sa kanyang career ang dulot sa kanya ng bagong noontime show. “Masarap magtrabaho dahil masaya kasama yung mga tao sa paligid mo”
Ayaw na din balikan ni Janelle yung mga intrigang hanggang ngayo’y ipinupukol sa kanya. “Dapat siguro iwanan na natin nang tuluyan yung mga lumang issue. Naka-get over naman na tayo dun. What we have now is more important.”
Samantala, abangan din ang Hitmen concert ni Nonoy Zuñiga kasama si Marco Sison at ang bantog na impersonator na si Willie Nepomuceno sa Nobyembre 13 sa Music Museum.
Diba nga’t milyung-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya’t tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, 12:30 pm, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...